Lunes, Nobyembre 19, 2012

Nakagat ka na ba?

INILATHALA NI:

Jenny Gonzales

Ang karaniwang buhay ay nagsisimula sa kapanganakan. Ang sanggol ay nagiging bata at ang bata ay nagiging matanda. Dahil mortal lamang ang mga tao, ang matanda, o kaya minsan ang bata, ay namamatay. Sinasabi na ang kamatayan ang huling hantungan; ngunit, ito nga ba? Paano kung ang patay ay naglalakad muli sa mundong ito? Ang dating ngipin ay madadagdagan ng pangil, magiging kasinglamig ng yelo ang katawan, magkakaroon ng kakaibang lakas at bilis, at mabubuhay ng isang daang taon o higit pa man- ito ang Bampira.

Ang bampira na ang pinakapopular na halimaw ngunit binago nila ang imahe nito at pinarangalang isang ‘kakaibang nilalang’ matapos umusbong ang hilig ng mga tao sa mga nabubulok na zombie at “hulk werewolves" o kalahating tao, kalahating lobo. Hindi tulad ng mga zombie at werewolf, kaakit-akit sa mga mata ang mga bampira. Hindi na rin kasi puro aksyon at dugo ang habol ng masa, actually oo. Pero ang karaniwang kwento ng mga bampira ay napalitan sa paghalo ng dugo, aksyon, romance, at tsaka takot. Sa kaisipang ito nabuo ang mga palabas tulad ng "The Vampire Diaries" at "Twilight Saga" sa Estados Unidos. 

Ang mga kwento nila ay simple: may mga tao, may mga bampira, at may mga tao nagiging bampira pag kinagat ito; Nagkakaroon ng mga love events na nai-inlove ang mga bampira sa mga tao. Makikita na pinaglalaruan ng mga palabas ang takot ng tao sa kamatayan at pilit na naghahanap ng iba’t-ibang ways para maging immortal. Dito nagsilabasan ang iba’t-ibang mga libro tungkol sa mga bampira katulad ng Suck it Up, The Vampire Academy, Frostbite, Nightworld, Bite Me, at iba pa. Dito nga sa Pilipinas ay umuso rin ang mga palabas katulad ng “Ang Darling kong aswang” at “TIKTIK: The aswang chronicles” Minsan ay naisip ko na ren kung magkakaroon nga ba na taong kayang mabuhay magpakailanman, ang taong hindi binibilang ang kanyang mga araw dito sa mundo, ang taong immortal.         

           

Linggo, Nobyembre 11, 2012

Sahod at Modernong Teknolohiya


Sahod ko at ang Modernong Teknolohiya
Ni Maria Elma Kristiana T. Tejada

            Bilang isang estudyanteng pumapasok sa isang pribadong paaralan, si Monique ay ninanais na magkaroon ng mga kagamitang magara tulad ng mamahalin na cellphone, laptop, ipad o e-tablets at marami pa. Sa tuwing nakikita niya ang kaniyang mga kamag-aral na may magagarang gamit, labis ang inggit na nadarama niya. Tuwing may magsasabing “doon naman tayo pumunta sa bahay ni Monique!” dali-daling sasagot siya ng “h’wag, di puwede, ipinagbabawal iyon ng magulang ko na may mga pupunta sa bahay habang wala sila”, ngunit ang totoo’y ayaw lamang niyang makita nila ang kaniyang mga gamit na nakakahiya para sa kaniya.
         Ano nga ba ang halaga ng mga ito sa kabataan sa panahon na ito? Tila kahiyahiya nang wala kang kagamitang kasing gara tulad ng sa ibang tao. Mga dalaga’t binata sa panahon ngayon ay “kinakailangang makisabay sa uso” o sa engles ay “be in with the latest trends”.
         Ang taong 2000 hanggang sa kasalukuyang panahon, 2012, ay tinaguriang “The Technology Century”. Ang sikat na Apple brand ay nagmula sa Estados Unidos, oo nga’t mahal ang mga teknolohiya dito, ngunit pinipilahan ang iba’t-ibang sangay ng kanilang tindahan kahit saan man ito sa mundo. Ang nangunguna sa listahan parati ay ang kanilang sikat na iphone at Mac laptops. Ang mga produktong ito ay ang “top seller” nila. Mula sa cellphone, sa laptop, pati rin ang kanilang modernong mp3 player na kung tawagin ay “ipod" ay mabentang mabenta sa mga tao. Ang kabataan ngayon, labis ang pagnanais sa mga kagamitang ito. Ang mga nagtatrabaho ngayon ay nagiipon hindi lang para sa kanilang pansariling pangangailangan ngunit para rin sa mga kagamitang ninanais nila.
            Si Aling Minda na ina ni Monique ay parating nilalaan ang malaking bahagi ng kaniyang sahod sa pamimili ng mga kung anu-anong kagamitan ngunit hindi niya pinapagbigyan si Monique na magakaroon ng mga ito dahil "bata" pa raw siya at kailangang maging responsable siya. Sinasabi naman ni Monique sa kaniyang ina na ang mga kagamitang ito ay "kailangan" niya, ngunit, para saan? Ang mga ito'y malakas manghikayat ng mga mamimili lalo na kung ang "features" na kung tawagin ay napakaganda at nakakaangat sa iba. Ika nga nila, di bale nang mahal basta't sulit naman ang binabayad nila para rito. Ngunit sa panahon ngayon, kinakailangan na ba nating maging praktikal pagdating sa gastusin sa mga kagamitang ito o tama lang na ganito ang pangangatwiran natin sa mga bagay na ito? tama pa bang unahin natin ang mga modernong teknolohiya bago ang mga kinakailangan talaga natin? hindi ba't problema lamang kung magkaroon pa ng problema o abirya ang mga ito? saan na, saan na mapupunta ang sahod mo? 
         

Sabado, Nobyembre 10, 2012

2012: Ang Katapusan ng mundo?

ni Pauline Corpus mula sa IV-7

Pamahiin ba kung maituturing ang mga susunod kong ilalarawan at ikkuwento sa blogpost na ito. Siguro nga ay oo, ngunit hindi talaga ako sigurado. Nobyembre na ng 2012, at napapalapit na ang mga sinasabi nilang "end of the world" na magaganap sa Disyembre 21, 2012 ayon sa Mayan Calendar. Maraming lumalabas na mga pelikula tulad na lamang ng '2012' at 'inception'. Ipinapakita dito ang katapusan ng mundo. Marami nga naman kasing nangyayaring trahedya sa mundo ngayon, tulad nalang ng mga malalakas na bagyo at pagbaha, matinding El Nino at mga away at gulo. Mayroong mga sumasangayon sa haka-hakang ito, mayroon din namang hindi naniniwala, ngunit ano nga ba talaga? Lahat tayo at mayroong sariling opinyon at ilalahad ko ang akin.

Sa pelikulang '2012', ang bansang Amerika at Tsina lamang ang ipinakita, at talaga nga namang nakapangangamba ang mga ipinahihiwatig ng pelikulang iyon. Ipinakita kung paano sabay sabay naganap ang mga tsunami, earthquake at sa huli ay nagkaroon ng pagbabago; bagong buhay at kakaunti lamang ang nakaligtas na silang sumakay sa malaking barko na inihanda ng bansang Amerika na ipinagawa sa mga manggagawang tsino, at ang mga nakasakay lang ay ang mga taong makapangyarihan, at kayang bayaran ang hinihinging bayad para sa isang tiket upang maka sakay sa barkong iyon. Habang pinanunuod ang pelikulang iyon, parang nakakapaniwala na hindi. Hindi mo maintindihan dahil mayroong bagay na nagbibigay sayo ng paninindigang hindi iyon totoo.

Nakasaad sa bibliya na magkakaron ng bago at mas maayos na mundo pero wala namang nakalagay na petsa at guguho ang mundo. Nagkaroon na rin ng ganitong pangyayari noong 1999. Sinabi nila na guguho na ang mundo, ang ibang tao ay nagtago sa mga kweba at nag-intay sa pagguho ng mundo pero wala namang ganun na nangyari at iyun din ang nangyayari ngayon. Nag-iintay ng disyembre 21, 2012 ang pagod na sa buhay at gusto na sigurong magpakamatay. Hindi ko rin lubos na maintindihan kung ano nga ba talaga.

Kung magkakaroon man ng "end of the world" ay sana manlang ay hindi sa Disyembre. Maraming pangarap, pamilya at buhay ang masisira at mawawala at alam kong sobra tayong mahal ng Panginoon at hindi niya tayo pababayaan. Kung mayroon man, mangyayari na lang. Kung totoo ito, nangyari na 'to matagal na panahon na nakalipas, pero hindi pa naman nangyayari, kaya sa kabutihang palad, wala pang end of the world na magaganap at tiyak na maraming pangarap ang mabibigyang buhay.

Biyernes, Nobyembre 9, 2012

Gadgets Bagets


GADGETS BAGETS
Inilathala ni Louise Marquez mula sa Taong IV, Silid bilang VII



Naalala niyo pa ba ang beeper? Ang beeper ay isang aparato para makapagpadala ng mga maiikling mensahe.  Sa panahon namin ngayon, iba na ang paraan.

Ang pag-unlad ng makabagong teknolohiya ay dahil sa galing ng tao; gumawa sila ng paraan para mapadali ang pakikipag-usap sa mga minamahal. Noon, ang tanging paraan lamang ng komunikasyon ay ang pagsulat ng mga liham; pahirapan pa ito dahil ilang araw ang kailangang hintayin para ito ay matanggap ng tumanggao. Pero dumating ang telepono na gawa ni Alexander Graham Bell. Ito ay isang aparato na nakakapagpadala at tumatanggap ng mga tunog, karaniwan na ang boses ng tao. Mayroon pa nito sa kasalukuyan ngunit hindi na gaanong nagagamit dahil naimbento ang cellular phones.



Ang cellular phones ay pinagsamang beeper at telepono. Ang pinagkaiba nito sa beeper ay ang kakayahan nitong makapagpadala ng mas mahahabang mensahe ngunit, ito ay hindi libre. Dumating din ang internet at computers na mas nagpadali ng paraan ng komunikasyon. Ngayon, ang internet ay mahahanap mo kahit saan dahil sa tinatawag nating wi-fi. Lumabas at nauuso rin sa panahon ngayon ang iPhone na gawa ng Apple Inc., at ang mga android phones; ang mga gadgets na ito ay parang isang cell phone, ngunit ito ay mas hi-tech dahil maari kang maglagay at maglaro ng games dito, makinig ng mga kanta, kumuha ng mga litrato gamit ang camera na kasama nito, mag-video, mag-internet at marami pang iba. Kumbaga, masasabi nating “nandyan na lahat ng pwede mong gawin.”


Ang mga gadgets sa panahon ko ngayon ay masaya at madaling gamitin. Ngunit, sa kabilang banda, ito ay nagdudulot din ng masasamang epekto. Ang mga gadgets na ito ay nagbibigay aliw at masaya, kaya nitong humira sa pag-aaral ng kabataan. Kadalasa’y nagiging dahilan ito ng pagbaba ng grado ng mga estudyante sa paraalan, o ‘di kaya’y pagkasira ng pamilya dahil sa wala nang komunikasyon dahil ang bawat miyembro ng pamilya ay may kaharap na gadget kaysa magsabay-sabay sa pagkain.


Tulad na lang ng aking pamilya, oo nakakatulong ang internet at laptop para makausap namin ang aming ama na nasa abroad, pero ang internet at laptop naman ang naghihiwalay sa amin n gaming ina. Masyadong tutok at hilig ng ina ko sa Facebook, minsa’y hindi na siya kumakain dahil dito o kaya naman, kung siya’y kakain, hawak at kaharap naman niya ang kanyang iPhone.

Nag-iba din ang panliligaw ng mga kabataan sa panahon ngayon. Noon, ang pag-akyat ng ligaw ay ang pagpunta ng binata sa bahay ng dalaga at ipakikilala ang kanyang sarili ng pormal sa mga magulang ng babae. Ngayon, dahil sa internet at cell phone, nagagawa nang manligaw ng mga binata sa chat at sa text.

Ang pag-unlad ng teknolohiya sa mundo ay nagdulot ng mas madaling paraan upang makipag-usap sa isa’t isa. Ngunit may ibang tao na sinasamantala ang kakayahan at galing nito, sana pagdating ng panahon at ng hinaharap, umunlad ‘man muli ang teknolohiya, hindi sana magbago o mawala ang magagandang kaugalian ng mga Pilipino.


Mga liham na hindi pa naisulat

Mga liham na hindi pa naisulat
Inilathala ni Maacah Solis mula sa taong IV, bilang 7

Mahal kong kaibigan,

Sana iyong natatanggap, aking mga liham, sa panahon ngayon, marahil isa nalang ako sa mga hibang na hibang sa mga magsusulat. Aaminin ko sayo, ayokong umasa ka na ito ay magiging kahanga-hangang liham na iyong nabasa sa buong buhay mo, hindi ito ang aking hilig, sa katunayan, hirap na hirap akong kunin sa aking sarili ang inspirasyon. Kung ikaw ay nabubuhay sa panahon ngayon, madaming bagay na maaring tunan mo ng pansin, at ang mga ito ay posibleng maging hadlang sa iyong pagsulat ng liham. Marahil, ito nga ang nangyayari sa akin, matagal-tagal ko na rin, pilit iniiwasan ang maisulat ang "blog" ko na ito, mas gugustuhin ko pang lumabas, makihalubilo, mamile, at kung ano-ano pa, 'wag lang 'to, 'wag lang ang kahit anong may relasyon sa akademiks. 

Ngunit, magiging tapat ako sayo, kung gano man kalaki ang pagtanggi ko sa pagsusulat, ganoon din naman kalaki ang interes ko sa pagbasa ng mga liham. Noong bata pa ako, pinapadalhan ako taon-taon ng mga liham, walang palya 'yan, hindi ko man nakikita si Mr. Mail man na naghahatid ng sulat, pero ang nanay ko lagi ang sumisigaw ng aking pangalan kapag may nag-sulat sa akin. Ang mga liham na natatanggap ko ay karaniwang nangga-galing kay "Santa Claus", sa lola ko at ang kaibigan ko na parehas nakatira sa California. Tuwing bubuksan ko na ang mga ito, ingat na ingat ako nang hindi masira ang envelope, tinitignan ko kung ilang stamps ang nakalagay, kung ilang bansa ang dinaanan, at kung gano katagal bumyahe ang liham, bago nakarating sa akin.. at pag binasa ko na, isang malaking ngiti ang naka-paskil sa aking mukha. 

Siguro magtataka kung bakit ako ay lubhang nagagalak sa isang papel lamang na sinulatan, tinupi, pinasok sa loob ng isang pang-karaniwan na envelope. Napakababaw ko naman sigurong tao. Marahil ako nga ay mababaw, pero nakikita ko kasi ang ganda at ang pinagmumulan ng mga salita sa isang liham. Mga salita na nangga-galing pa sa puso, pinagpilian pa ng magandang papel, gagamitan ng pinaka-magandang lapis o bolpen na pangsulat at doon palang ilalathala ang mga salita na matagal na pinagnilayan, at sa dulo ng papel, ilalagda ng minamahal na manunulat ang kanyang pangalan, bago isiping i-tiklop at ilagay sa isang envelope.

Ang mga liham na aking natanggap, magmula pa noon, ay nakatago sa isang kahon. Ito ang maganda sa mga liham, natatago mo, at pwede mong paulit-ulit na basahin, kailan man, saan man. Pwede mo pagtuonan ng emosyon, depende kung ano ay iyong nararamdaman. Marami-rami narin akong mga sulat na natanggap galing sa iba't ibang taong nakilala ko, at sa tagal ko na nakilala sila, kung babalikan ko ang mga liham na binigay nila sa akin, nakikita ko kung ano klase siyang tao. At dito ko rin minsan napapansin kung siya parin ang taong unang nakilala ko.

Iyon ang maganda sa mga liham, hindi napapalitan, nabubura, ang mga salita at saluobin na naglalaman nito, doon nagtatapos ang storya matapos mo tuldukan at pirmahan ng pangalan. Natatapos ang oras kung kailan mo ito sinulat at kung sino ka man noong sinulat mo, ngunit ito rin ay walang katapusan, dahil ang nagsulat ng liham na iyon, ay patuloy na nag-iiba, at sumusunod sa daloy ng panahon.

Mahal kong kaibigan, sa pagtapos ko ng liham na ito na ito, sana ay may naiwan akong aral sa iyo, hindi ko man maitiklop at mailagay ang isang blog sa loob ng envelope, ituring mo itong isang liham tulad ng aking naikwento.

Nagmamahal, 
Maacah Solis
November 9, 2012

Huwebes, Nobyembre 8, 2012

Panloobang Saloobin

Panloobang Saloobin
Inilathala ni Hannah Santiago mula sa Taong IV, Silid Bilang VII.


Nakaupo ako, iniintay na may ma-type ang aking kamay, nang may dumapong na ibon sa bintana. Tinitigan ko 'toh dahil sa tingin ko magkakaroon ako ng inspirasyon ngunit siya'y lumipad kasing bilis ng kanyang pag-dating. Nakakatawa dahil akala ko wala akong nakuhang inspirasyong sakanya, ngunit sa paglipad niya may iniwan siyang maari kong masulat; isang isip.

Kahit ang mga ibon ay naka-tali sa langit

Walang sinuman ang malaya. Hindi tayo malaya; mukha lang tayong malaya, pero hindi. Kapag iisipin mo, lahat tayo'y nakatali sa pagsunod sa isang pangkaraniwang buhay na nakasanayan na natin. Lahat tayo ay may label sa mata ng mga tao. Kapg lumabas ka sa iyong karakter, agad-agad kang pagiisipan ng masama ng tao, iisipin nila na isa kang baliw sapagkat hindi ka sumusunod sa pangkaraniwang gawain ng mga tao. Ngunit sino ba ang makakasabi kung ano ang pangkaraniwan? Pano nalang kung 'yung mga tao na iniisip natin na baliw ay maayos pala ang pagiisip? Pano nalang kung tayo pala ang mga baliw?

Itong mundong tinitirhan natin ay magulo. Madalas kang makakita ng mga taong pinahihirapan ang kanilang sarili. Di naman dapat mahirap ang buhay eh, kung sinusunod lang ng mga tao 'yung "Kung kaya mo, gawin mo kung hindi, edi wag" madadalian sila sa buhay, ngunit hindi 'yun ang sitwasyon dahil hindi ganun ang realidad. Dapat meron kang hadlang na malalagpasan bago mo makuha ang gusto mo. Sa katotohanan, simple lang ang buhay depende nga lang ito sa kung pano mo tinitignan.

Simple nga lang ang buhay ngunit meron ibang tao na laging nago-over-react. Isang halimbawa kung bakit sila nago-over-react ay dahil depressed o emo sila, at bakit sila emo? madalas dahil sa mga insulto na nararanasan nila sa mga sinasabi ng ibang tao. Ngunit para saakin, walang tao sa mundong ito ang may kayang saktan ka (maliban sa physical-hurting, ngunit hindi 'yun ang punto dito) dahil nasa sa'yo kung titignan mo 'yung sinabi ng taong na 'yun bilang isang insulto. Sa madaling salita: kung na-insulto ka, tandaan mo na ikaw ang nagdesisyon na tignan 'yun bilang isang insulto. Ikaw ang nagdesiyon na mainsulto.  Isa pang halimbawa sa pago-over-react ng mga tao ay tungkol sa pag-ibig. Ito'y dahil madalas mag-assume at mag-over think and mga tao. Kung hayaan lang nila na gumalaw ang kurso ng pangyayari, edi sana nakaiwas sila sa pagsakit ng puso. Pero, 'yun ang problema saatin, ang hiilig nating mag-manipulate. Gusto natin lagi tayong panalo, ngunit hindi lahat ng gusto natin ay maari nating makuha. Minsan merong tinatawag na hollow victory.

Kaya hindi ako madalas maglabas ng kung ano nilalaman ng aking isipan, dahil nagmumukha lang akong baliw or insane sa wikang ingles. Lahat ng 'yan nanggaling sa isang isip na nagmula sa ibon na dumapo sa bintana ko. 
Dahil nabasa mo ang aking blog, siguro naguguluhan ka para sakin, o baka naman naiintindihan mo ako pero pwede ring hindi. Hindi ko naman ineexpect na maintindihan mo ako dahil ang aking isipan ay ang nagpapa-unique saakin. Sa tingin ko nga walang makakaintindi kung bakit nanggaling ang buong train of thought na 'yan mula sa isang ibon na lumipad.

Baka dahil kakaiba lang ako mag-isip.

Martes, Nobyembre 6, 2012

Fashion Blogger



sa panunulat ni Chayenne Saul ng ikaapat na taon silid bilang pito

           
Bilang isa ako sa mga nagnanais at nagsisikap na makabuo at magkaroon ng isang blog sa lalong madaling panahon na kung saan  maituturing ko  ito na parang isang Diary na dito nakasaad at halos nakadetalyeng pagkakasunod-sunod ng mga importanteng pangyayari sa aking buhay o kahit ito man ay mga kaganapan sa aking buhay na kahit simple at medyo may kaweirdohan  o Malabo ganunpaman alam kong ito’y mahalaga at may katuturan at gusto ko rin itong ibahagi sa mga katulad kong nangangarap na maging isang Blogger.   


Dahil ito naman talaga ang sadya ng isang Blog ang mga bagay na ginagawa ko sa pang araw-araw, ang mga taong nakakasalamuha ko, mga lugar na aking napuntahan at mga gustong puntahan, mga pagkaing natikman ko na at sa iba pang takam na takam akong matikman , sa mga kagamitang aking tinatamasa at pinapangarap ko ng lubusan at sa mga damit, accessories at sapatos na suot  ay pwedeng pwede kong mailagay sa aking Blog sa kahit anong oras at lugar  at isa na rito ang hilig ko sa Fashion.


Dahil na rin dito ako ay lalo pang mas naenganyo na bumuo ng sarili kong blog pero hindi nagtatapos yun doon nagumpisa ang lahat ng ito sa  mga taong malakas maka-impluwensya hindi lang sa akin kundi sa buong  industriya ng pagfafashion blogging. Ang kanilang mga kakaiba at modernong estilo ng pananamit  ay siguradong pasok sa paningin ng mga fashionistang katulad ko sa ngayong panahon at sa malamang sa mga susunod na henerasyon. Ang mga trends o uso na kanilang pinasisikat ang iba ay hango sa mga estilo ng pananamit noong 60’s,70’s at 80’s na ngayon ay bumabalik na rin dahil sa mga desenyong bagay na bagay sa mga kabataan ngayon.  Ito’y nagging malaking bahagi na rin ng aking pag style ng aking pananamit at sa lalong pagkahilig ko sa mundo ng Fashion.


Malugod akong ipinapakilala sa inyong lahat ang kabilang sa pinaka sikat na fashion bloggers hindi lamang sila kinikilala at tinitingala dito sa ating bansa maging sa mga bansang pinagmulan din ng mga sikat na world-wide fashion bloggers dahil sa kanilang mahuhusay na blog na pinararangalan pa sa ibang bansa at syempre hindi mawawala ang kanilang unique na estilo pagdating sa fashion. sila ang aking mga iniidolo at inspirasyon sa aking minimithing pangarap na maging isang katulad nilang fashion blogger sila ay sina Laureen Uy, Camille Co, Kryz Uy, Patricia Prieto at Tricia Gosintian, Cheyser Pedregosa hindi lamang sila  ang mga Fashion Bloggers dito sa Pinas dahil marami din ang ibang pinoy at pinay na mahuhusay sa parehas na larangan katulad din nila pero para sa akin sila ang nag bigay buhay at inspirasyon sa pagiging isang fashionista ko at sa pagbuo ko ng Fashion Blog.






Ikaw, na nagbabasa ng kaunaunahang blogpost ko malay mo sa darating na panahon maging isang sikat na fashion blogger ka din katulad nila… Kita-kits na lang tayo J