Linggo, Nobyembre 11, 2012

Sahod at Modernong Teknolohiya


Sahod ko at ang Modernong Teknolohiya
Ni Maria Elma Kristiana T. Tejada

            Bilang isang estudyanteng pumapasok sa isang pribadong paaralan, si Monique ay ninanais na magkaroon ng mga kagamitang magara tulad ng mamahalin na cellphone, laptop, ipad o e-tablets at marami pa. Sa tuwing nakikita niya ang kaniyang mga kamag-aral na may magagarang gamit, labis ang inggit na nadarama niya. Tuwing may magsasabing “doon naman tayo pumunta sa bahay ni Monique!” dali-daling sasagot siya ng “h’wag, di puwede, ipinagbabawal iyon ng magulang ko na may mga pupunta sa bahay habang wala sila”, ngunit ang totoo’y ayaw lamang niyang makita nila ang kaniyang mga gamit na nakakahiya para sa kaniya.
         Ano nga ba ang halaga ng mga ito sa kabataan sa panahon na ito? Tila kahiyahiya nang wala kang kagamitang kasing gara tulad ng sa ibang tao. Mga dalaga’t binata sa panahon ngayon ay “kinakailangang makisabay sa uso” o sa engles ay “be in with the latest trends”.
         Ang taong 2000 hanggang sa kasalukuyang panahon, 2012, ay tinaguriang “The Technology Century”. Ang sikat na Apple brand ay nagmula sa Estados Unidos, oo nga’t mahal ang mga teknolohiya dito, ngunit pinipilahan ang iba’t-ibang sangay ng kanilang tindahan kahit saan man ito sa mundo. Ang nangunguna sa listahan parati ay ang kanilang sikat na iphone at Mac laptops. Ang mga produktong ito ay ang “top seller” nila. Mula sa cellphone, sa laptop, pati rin ang kanilang modernong mp3 player na kung tawagin ay “ipod" ay mabentang mabenta sa mga tao. Ang kabataan ngayon, labis ang pagnanais sa mga kagamitang ito. Ang mga nagtatrabaho ngayon ay nagiipon hindi lang para sa kanilang pansariling pangangailangan ngunit para rin sa mga kagamitang ninanais nila.
            Si Aling Minda na ina ni Monique ay parating nilalaan ang malaking bahagi ng kaniyang sahod sa pamimili ng mga kung anu-anong kagamitan ngunit hindi niya pinapagbigyan si Monique na magakaroon ng mga ito dahil "bata" pa raw siya at kailangang maging responsable siya. Sinasabi naman ni Monique sa kaniyang ina na ang mga kagamitang ito ay "kailangan" niya, ngunit, para saan? Ang mga ito'y malakas manghikayat ng mga mamimili lalo na kung ang "features" na kung tawagin ay napakaganda at nakakaangat sa iba. Ika nga nila, di bale nang mahal basta't sulit naman ang binabayad nila para rito. Ngunit sa panahon ngayon, kinakailangan na ba nating maging praktikal pagdating sa gastusin sa mga kagamitang ito o tama lang na ganito ang pangangatwiran natin sa mga bagay na ito? tama pa bang unahin natin ang mga modernong teknolohiya bago ang mga kinakailangan talaga natin? hindi ba't problema lamang kung magkaroon pa ng problema o abirya ang mga ito? saan na, saan na mapupunta ang sahod mo? 
         

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento