GADGETS BAGETS
Inilathala ni Louise Marquez mula sa Taong IV, Silid bilang VII
Naalala niyo pa ba ang
beeper? Ang beeper ay isang aparato para makapagpadala ng mga maiikling
mensahe. Sa panahon namin ngayon, iba na
ang paraan.
Ang pag-unlad ng makabagong
teknolohiya ay dahil sa galing ng tao; gumawa sila ng paraan para mapadali ang
pakikipag-usap sa mga minamahal. Noon, ang tanging paraan lamang ng komunikasyon
ay ang pagsulat ng mga liham; pahirapan pa ito dahil ilang araw ang kailangang
hintayin para ito ay matanggap ng tumanggao. Pero dumating ang telepono na gawa ni
Alexander Graham Bell. Ito ay isang aparato na nakakapagpadala at tumatanggap
ng mga tunog, karaniwan na ang boses ng tao. Mayroon pa nito sa kasalukuyan
ngunit hindi na gaanong nagagamit dahil naimbento ang cellular phones.
Ang cellular phones ay pinagsamang beeper at
telepono. Ang pinagkaiba nito sa beeper ay ang kakayahan nitong makapagpadala
ng mas mahahabang mensahe ngunit, ito ay hindi libre. Dumating din ang internet
at computers na mas nagpadali ng paraan ng komunikasyon. Ngayon, ang internet
ay mahahanap mo kahit saan dahil sa tinatawag nating wi-fi. Lumabas at nauuso
rin sa panahon ngayon ang iPhone na gawa ng Apple Inc., at ang mga android
phones; ang mga gadgets na ito ay parang isang cell phone, ngunit ito ay mas
hi-tech dahil maari kang maglagay at maglaro ng games dito, makinig ng mga
kanta, kumuha ng mga litrato gamit ang camera na kasama nito, mag-video, mag-internet
at marami pang iba. Kumbaga, masasabi nating “nandyan na lahat ng pwede mong
gawin.”


Nag-iba din ang panliligaw ng mga kabataan sa
panahon ngayon. Noon, ang pag-akyat ng ligaw ay ang pagpunta ng binata sa bahay
ng dalaga at ipakikilala ang kanyang sarili ng pormal sa mga magulang ng babae.
Ngayon, dahil sa internet at cell phone, nagagawa nang manligaw ng mga binata
sa chat at sa text.
Ang pag-unlad ng teknolohiya sa mundo ay
nagdulot ng mas madaling paraan upang makipag-usap sa isa’t isa. Ngunit may
ibang tao na sinasamantala ang kakayahan at galing nito, sana pagdating ng
panahon at ng hinaharap, umunlad ‘man muli ang teknolohiya, hindi sana magbago o
mawala ang magagandang kaugalian ng mga Pilipino.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento