ni Pauline Corpus mula sa IV-7
Pamahiin ba kung maituturing ang mga susunod kong ilalarawan at ikkuwento sa blogpost na ito. Siguro nga ay oo, ngunit hindi talaga ako sigurado. Nobyembre na ng 2012, at napapalapit na ang mga sinasabi nilang "end of the world" na magaganap sa Disyembre 21, 2012 ayon sa Mayan Calendar. Maraming lumalabas na mga pelikula tulad na lamang ng '2012' at 'inception'. Ipinapakita dito ang katapusan ng mundo. Marami nga naman kasing nangyayaring trahedya sa mundo ngayon, tulad nalang ng mga malalakas na bagyo at pagbaha, matinding El Nino at mga away at gulo. Mayroong mga sumasangayon sa haka-hakang ito, mayroon din namang hindi naniniwala, ngunit ano nga ba talaga? Lahat tayo at mayroong sariling opinyon at ilalahad ko ang akin.
Sa pelikulang '2012', ang bansang Amerika at Tsina lamang ang ipinakita, at talaga nga namang nakapangangamba ang mga ipinahihiwatig ng pelikulang iyon. Ipinakita kung paano sabay sabay naganap ang mga tsunami, earthquake at sa huli ay nagkaroon ng pagbabago; bagong buhay at kakaunti lamang ang nakaligtas na silang sumakay sa malaking barko na inihanda ng bansang Amerika na ipinagawa sa mga manggagawang tsino, at ang mga nakasakay lang ay ang mga taong makapangyarihan, at kayang bayaran ang hinihinging bayad para sa isang tiket upang maka sakay sa barkong iyon. Habang pinanunuod ang pelikulang iyon, parang nakakapaniwala na hindi. Hindi mo maintindihan dahil mayroong bagay na nagbibigay sayo ng paninindigang hindi iyon totoo.
Nakasaad sa bibliya na magkakaron ng bago at mas maayos na mundo pero wala namang nakalagay na petsa at guguho ang mundo. Nagkaroon na rin ng ganitong pangyayari noong 1999. Sinabi nila na guguho na ang mundo, ang ibang tao ay nagtago sa mga kweba at nag-intay sa pagguho ng mundo pero wala namang ganun na nangyari at iyun din ang nangyayari ngayon. Nag-iintay ng disyembre 21, 2012 ang pagod na sa buhay at gusto na sigurong magpakamatay. Hindi ko rin lubos na maintindihan kung ano nga ba talaga.
Kung magkakaroon man ng "end of the world" ay sana manlang ay hindi sa Disyembre. Maraming pangarap, pamilya at buhay ang masisira at mawawala at alam kong sobra tayong mahal ng Panginoon at hindi niya tayo pababayaan. Kung mayroon man, mangyayari na lang. Kung totoo ito, nangyari na 'to matagal na panahon na nakalipas, pero hindi pa naman nangyayari, kaya sa kabutihang palad, wala pang end of the world na magaganap at tiyak na maraming pangarap ang mabibigyang buhay.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento