Lunes, Nobyembre 19, 2012

Nakagat ka na ba?

INILATHALA NI:

Jenny Gonzales

Ang karaniwang buhay ay nagsisimula sa kapanganakan. Ang sanggol ay nagiging bata at ang bata ay nagiging matanda. Dahil mortal lamang ang mga tao, ang matanda, o kaya minsan ang bata, ay namamatay. Sinasabi na ang kamatayan ang huling hantungan; ngunit, ito nga ba? Paano kung ang patay ay naglalakad muli sa mundong ito? Ang dating ngipin ay madadagdagan ng pangil, magiging kasinglamig ng yelo ang katawan, magkakaroon ng kakaibang lakas at bilis, at mabubuhay ng isang daang taon o higit pa man- ito ang Bampira.

Ang bampira na ang pinakapopular na halimaw ngunit binago nila ang imahe nito at pinarangalang isang ‘kakaibang nilalang’ matapos umusbong ang hilig ng mga tao sa mga nabubulok na zombie at “hulk werewolves" o kalahating tao, kalahating lobo. Hindi tulad ng mga zombie at werewolf, kaakit-akit sa mga mata ang mga bampira. Hindi na rin kasi puro aksyon at dugo ang habol ng masa, actually oo. Pero ang karaniwang kwento ng mga bampira ay napalitan sa paghalo ng dugo, aksyon, romance, at tsaka takot. Sa kaisipang ito nabuo ang mga palabas tulad ng "The Vampire Diaries" at "Twilight Saga" sa Estados Unidos. 

Ang mga kwento nila ay simple: may mga tao, may mga bampira, at may mga tao nagiging bampira pag kinagat ito; Nagkakaroon ng mga love events na nai-inlove ang mga bampira sa mga tao. Makikita na pinaglalaruan ng mga palabas ang takot ng tao sa kamatayan at pilit na naghahanap ng iba’t-ibang ways para maging immortal. Dito nagsilabasan ang iba’t-ibang mga libro tungkol sa mga bampira katulad ng Suck it Up, The Vampire Academy, Frostbite, Nightworld, Bite Me, at iba pa. Dito nga sa Pilipinas ay umuso rin ang mga palabas katulad ng “Ang Darling kong aswang” at “TIKTIK: The aswang chronicles” Minsan ay naisip ko na ren kung magkakaroon nga ba na taong kayang mabuhay magpakailanman, ang taong hindi binibilang ang kanyang mga araw dito sa mundo, ang taong immortal.         

           

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento