Huwebes, Nobyembre 8, 2012

Panloobang Saloobin

Panloobang Saloobin
Inilathala ni Hannah Santiago mula sa Taong IV, Silid Bilang VII.


Nakaupo ako, iniintay na may ma-type ang aking kamay, nang may dumapong na ibon sa bintana. Tinitigan ko 'toh dahil sa tingin ko magkakaroon ako ng inspirasyon ngunit siya'y lumipad kasing bilis ng kanyang pag-dating. Nakakatawa dahil akala ko wala akong nakuhang inspirasyong sakanya, ngunit sa paglipad niya may iniwan siyang maari kong masulat; isang isip.

Kahit ang mga ibon ay naka-tali sa langit

Walang sinuman ang malaya. Hindi tayo malaya; mukha lang tayong malaya, pero hindi. Kapag iisipin mo, lahat tayo'y nakatali sa pagsunod sa isang pangkaraniwang buhay na nakasanayan na natin. Lahat tayo ay may label sa mata ng mga tao. Kapg lumabas ka sa iyong karakter, agad-agad kang pagiisipan ng masama ng tao, iisipin nila na isa kang baliw sapagkat hindi ka sumusunod sa pangkaraniwang gawain ng mga tao. Ngunit sino ba ang makakasabi kung ano ang pangkaraniwan? Pano nalang kung 'yung mga tao na iniisip natin na baliw ay maayos pala ang pagiisip? Pano nalang kung tayo pala ang mga baliw?

Itong mundong tinitirhan natin ay magulo. Madalas kang makakita ng mga taong pinahihirapan ang kanilang sarili. Di naman dapat mahirap ang buhay eh, kung sinusunod lang ng mga tao 'yung "Kung kaya mo, gawin mo kung hindi, edi wag" madadalian sila sa buhay, ngunit hindi 'yun ang sitwasyon dahil hindi ganun ang realidad. Dapat meron kang hadlang na malalagpasan bago mo makuha ang gusto mo. Sa katotohanan, simple lang ang buhay depende nga lang ito sa kung pano mo tinitignan.

Simple nga lang ang buhay ngunit meron ibang tao na laging nago-over-react. Isang halimbawa kung bakit sila nago-over-react ay dahil depressed o emo sila, at bakit sila emo? madalas dahil sa mga insulto na nararanasan nila sa mga sinasabi ng ibang tao. Ngunit para saakin, walang tao sa mundong ito ang may kayang saktan ka (maliban sa physical-hurting, ngunit hindi 'yun ang punto dito) dahil nasa sa'yo kung titignan mo 'yung sinabi ng taong na 'yun bilang isang insulto. Sa madaling salita: kung na-insulto ka, tandaan mo na ikaw ang nagdesisyon na tignan 'yun bilang isang insulto. Ikaw ang nagdesiyon na mainsulto.  Isa pang halimbawa sa pago-over-react ng mga tao ay tungkol sa pag-ibig. Ito'y dahil madalas mag-assume at mag-over think and mga tao. Kung hayaan lang nila na gumalaw ang kurso ng pangyayari, edi sana nakaiwas sila sa pagsakit ng puso. Pero, 'yun ang problema saatin, ang hiilig nating mag-manipulate. Gusto natin lagi tayong panalo, ngunit hindi lahat ng gusto natin ay maari nating makuha. Minsan merong tinatawag na hollow victory.

Kaya hindi ako madalas maglabas ng kung ano nilalaman ng aking isipan, dahil nagmumukha lang akong baliw or insane sa wikang ingles. Lahat ng 'yan nanggaling sa isang isip na nagmula sa ibon na dumapo sa bintana ko. 
Dahil nabasa mo ang aking blog, siguro naguguluhan ka para sakin, o baka naman naiintindihan mo ako pero pwede ring hindi. Hindi ko naman ineexpect na maintindihan mo ako dahil ang aking isipan ay ang nagpapa-unique saakin. Sa tingin ko nga walang makakaintindi kung bakit nanggaling ang buong train of thought na 'yan mula sa isang ibon na lumipad.

Baka dahil kakaiba lang ako mag-isip.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento