Inilathala ni Carol Angeli Reyes mula sa Taong IV, Silid Bilang VII
“Uso pa ba ang harana?”—Isa itong linya mula sa kantang “Harana”
ng Parokya Ni Edgar, na isang ‘Original Philippine Music’ o ‘OPM’ na banda.
Lahat tayo ay nakarinig ng kahit isa sa mga kantang OPM na ipinapalabas
ng mga iba’t ibang banda o artista sa ating bansa — kahit magmula ito sa
kanilang mga album o kahit narinig lamang sa radio — at hindi natin maiwasan
na magiging bahagi ito ng ating buhay. Lumaki ako sa pakikinig ng mga banda katulad ng Eraserheads,
Parokya Ni Edgar, Bamboo at iba pa, at kahit ngayon kabisado ko pa ang bawat linya ng ibang kanta. Pero,
katulad ng lahat ng bagay, hindi maiwasan ang pagbabago. Maraming pinagdaanan
ang musika sa ating bansa, at ipapakita ko sa inyo ang mga mahusay na
kontribusyon na nagbago sa OPM.
Noong mga 1970's hanggang 1990's, itinutukoy lamang ng OPM ang mga
"Filipino Pop Songs" lamang, lalo na ang balad na anyo. sa panahon na
ito, ang musika ay pinangunahan ng mga artista katulad ni Sharon Cuneta, Ogie
Alcasid, Martin Nivera, Lea Salonga, Francis Magalona, at kasama ng marami pang
iba. Ang Apolinario Mabini Hiking Society, o sa mas kilalang APO Hiking
Society, ay isa sa mga pinakamahusay na banda noong panahon na iyon. Madalas na
tinatawag na "Beatles of the Philippines", sila ay naglabas ng higit sa 27 na albums sa apat na
dekada ng kanilang karera. Gumanap sila sa higit na 50 lungsod sa Estados Unidos, Canada,
Singapore, Indonesia, Germany, Switzerland, Italya at Japan; ibig sabihin nito
ay ang OPM ay nakarating na iba't ibang bansa sa buong mundo noong panahon na
ito.
noong 1900's hanggang sa kasalukuyang panahon, pati na rin sa pagbuo ng maraming magkakaibang at alternatibong musikal na estilo sa Pilipinas, ang OPM ngayon ay tumutukoy sa anumang uri ng Orihinal na "Philippine Music" na nilikha sa Pilipinas o binubuo ng mga indibidwal ng pilipino. Ilang sa mga kilalang banda noong 1990's ay ang Eraserheads, Rivermaya, Parokya Ni Edgar, at iba pa; mayroong kinalaman ang Eraserheads sa pagmumuno sa pangalawang pagdating ng tinatawag na "Manila Band Invasions." naalala ko pa noong lumabas ang "Gitara" at "Ang Huling El Bimbo" noong bata pa ako — palagi itong kinakanta sa aming bahay sa sobrang ganda. hanggang ngayon, sikat parin ang OPM sa bansa, katulad ng dyanra na 'ballad' o 'Pinoy Rock'.
Ngayon ay babalikan ko ang aking tanong: Uso pa ba ang harana? Maari ito ay nagtatanong na kung ginagawa pa ba ng pagkanta ng isang lalaki sa kanyang minamahal; Maaari rin tinutukoy ng harana ang dating tingin ng OPM at kung nakikita pa natin sa kasalukuyan — ito ay ayon sa iyong pananaw. Ayon sa mga ibinahagi ko sa iyo, ito ang aking huling tanong: Ano kaya ang mangyayari sa OPM sa kinabukasan? Ano kaya ang gagawin ng mga pilipino sa larangan ng musika sa bansa? Alam ko na mataas ang potensyal ng mga OPM na banda natin sa kasalukuyan at sa pagkalipas ng taon. kaya ibig kong makarinig ng harana sa aking bayan kahit pagtanda ko — malay mo, may maghaharana rin sa akin!
hello po, pwde ko po bang gamitin yung photo na naka harana ang guy sa girl? thanku po.
TumugonBurahin