Lunes, Nobyembre 5, 2012

Gangnam Style


Inilathala ni Shiloh Marren Laciste mula sa Taong IV, Silid Bilang VII.

        Ang labing pitong taong gulang na si Maria ay mahilig mag-internet. Walang araw na hindi nakahagilap ang kanyang mga mata sa apat na sulok ng monitor ng kanyang kompyuter. Lagi niyang tinitignan ang mga websites kagaya ng Twitter, Facebook at Youtube. Ang kanyang mga kamay ay hindi mapagod-pagod sa kakapindot sa mouse at sa keyboard. Minsan siya ay tumatawa, umiiyak at nagugulat ng mag-isa. Kahit na yayain siya ng mga pinsan niya na maglaro sa labas, siya ay tumatanggi dahil sa kanyang palagay mas masaya  magkompyuter kaysa magpapawis sa labas.


      Isang araw, may napunuod siya na music video sa Youtube na may pamagat na Gangnam Style. Nakapaloob sa music video na iyon ang isang lalaki na sumasayaw na parang nangangabayo. 
Bagama't hindi niya naiintindihan ang kinakanta ng lalaki, patuloy niya pa rin pinapanuod iyon. Nagsaliksik siya tungkol sa video na iyon para mas higit niyang maintindihan kung anong sinasabi ng lalaki na kumakanta at para malaman kung anong bansa nagmula iyon. Ayon sa kanyang pananaliksik, natuklasan niya na ang kumakanta ng Gangnam Style ay si PSY , sikat na maangaawit galing sa bansang South Korea. Sa patuloy niya na panunuod ng video na iyon ay natuto rin siya kung paano kantahin at sayawin ang Gangnam Style. Laging naririnig sa kanilang tahanan ang mga salitang  katulad ng " A rum de wo sa rang su ro wo..." na hindi naman naiintindihan ng kanyang pamilya.

       Hindi nagtagal ang music video na iyon, ay hindi lamang sumikat sa bansang Korea bagkus sa buong mundo kasama dito ang ating bansa. Lagi ito pinapakita sa telebisyon at pinapatugtog sa radyo. Sa anumang uri ng okasyon ay maririnig mo ang kanta na iyon. Ang Gangnam Style ay pinarangalan ng Guiness Book of Record bilang most liked video sa kasaysayan ng youtube sa taong 2012.
       Ang Gangnam Style ay nagging parte hindi lamang sa buhay ni Maria bagkus sa buhay rin ng mga ibang taong tumatangkilik nito. Sa panahong ito, matutunghayan ang pagkapareparehas ng kinagigiliwan ng iba't ibang bansa sa larangan ng musika. Tunay na ang Gangnam Style ay nagkaroon ng tatak sa kasaysayan ng ating mundo. Kung ikaw ang tatanungin, ano ang music video sa panahon mo na sa tingin mo ay tumatak sa buhay mo at sa kasaysayan ng buong mundo?

(i-click lang ang link para mapanuod ang music video)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento